Skip to main content

St. Joseph College of Baggao Inc.

LOOK | Mag-aaral Nakilahok sa School-Based Journalism Elimination

Bilang paghahanda sa nalalapit na Congressional School Press Conference (CSPC), lumahok ang mga mag-aaral ng Saint Joseph College of Baggao sa School-Based Journalism Elimination na isinagawa noong Hulyo 11 at 18, 2026. Pinangunahan ang programa ng mga guro sa Filipino at Ingles mula sa Elementarya at Hayskul, katuwang ang mga opisyal ng Language Club, sa temang “Empowering Student Journalists: Inform, Inspire, Impact.”

Nagsimula ang aktibidad sa isang oryentasyon kung saan ipinaliwanag ang mga tuntunin, kategorya, at pamantayan ng bawat kompetisyon. Nagbahagi rin ang mga tagapagsanay ng mga paalala at gabay upang maging handa ang mga kalahok bago sumabak sa bawat elimination round.

Nagharap muli sa Best of 3 Finals ang mga kalahok na nanguna sa unang yugto ng paligsahan upang matukoy ang mga magiging opisyal na kinatawan ng paaralan. Mula sa mga nagwagi, pipiliin ang mga lalahok sa Congressional District 1 School Press Conference na gaganapin sa Setyembre 2–3, 2026.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mahasa ang kanilang kakayahan sa pamamahayag habang inihahanda silang maging kinatawan ng paaralan sa susunod na antas ng kompetisyon.

SJCBI Logo
Login To Come In